Eh yung bigla o dahan-dahang pagtingin sa iyo o sa katabi mo. Parang biglang nagkaroon ng limit sa pwede mong tignan. Kaya magpapasimple ka, magkukunwaring nakatingin sa kawalan o dadaplisan ang pwesto niya bago lumingon sa katabi. Mga teknik na kung may isa pang ikaw ay matatawa ka sa nakikita o nababasa mong galaw. Ito ang mga panahong bago ang pag-ibig, kasabay ng pagkaisip-bata at pagkakilig sa simpleng bagay.
Binabagalan mo umalis ng silid, para mas matagal mo siya pwedeng pagmasdan. Nagkataon na may kadaldalan pa siya sa pinto, sakto o sadya niya? You wish! Lalabas ka ng kwarto at medyo lilingun-lingon, pinag-iisipan mo kung saan ka pupunta, pero alam mo kung saan ang sunod na lakad mo. Alam mo din kung saan ang daan niya, pareho sa dadaanan mo. Malas mo at may klase ka pa, at hindi ka na makikipagtalo sa sarili mo. Maglalakad ka ng may angas at dating na nagsasabi: "Pansinin mo ako".
Hindi pa pala tapos. Bago ka makarating sa ibabang palapag, magkakaabot pa kayo ng tingin sa hagdan. Mag-p-pause ka ng konti at sasadyain mo na makita ka pa niya. Sabay, biglang lakad na baka sakali mabitin siya.
No comments:
Post a Comment