I welcomed this rainy day while playing four games of HoN. Won the first game, lost the rest.
Took a nap, and had my initial plans of a solo-treat birthday set aside. Rain was terrible at other areas, and the way to the places i wanted to go were most likely flooded. So, pass.
This was part of the plan: down yung mcdelivery.ph at hotline.
3 pc hotcake, blueberry syrup. strawberry-oreo mcflurry. iced vanilla coffee. |
Then I went home, and studied for most of the day. Took a nap again while reading my notes.
Went out with my family to eat dinner. The crew should have been bigger, but the weather made things terrible for my folks at Paranaque.
Sa totoo lang, hindi ko na alam yung dapat maramdaman kapag may birthday. Dati mapapansin mo na excited ka pag, kahit papasok pa lang yung August. Katulad na rin ng ibang mga pangyayari sa buhay (Pasko, Birthday ng iba), medyo hindi mo na alam kung ano pa ang mga bago. Napaisip ako kanina kung ano na pakiramdam ng kaarawan makalipas ang limang taon, na kung saan maaring nagttrabaho na ako o basta nasa malayong lugar.
Masaya ako sa mga simpleng bagay, madaling makakuha ng ngiti sa mga ganun. Wala ako masyado hiningi sa araw na ito. Kahit nga pamasahe papuntang McDo, ako na yung sumagot.
Mas masaya siguro yung araw na ito kung hindi binabagyo ang Pilipinas. Nakaikot na sana ako sa Manila, at walang napeperwisyong mga pinoy (habang sinusubukan mo magka-Happy Birthday). Okay na nakapagaral ako ngayon at nalinis ko yung combat boots at sahig.
Ang pinaka-OK na regalo ko siguro ay nakasama ko yung magulang ko at kapatid ko mula Day Zero hanggang ngayong Day X.
/^\
\(o_o)/
| d |
/ \
No comments:
Post a Comment