Wednesday, August 21, 2013

atheneum

Sa minsang paggawa mo ng mga papel o pagsagot sa mga tanong sa internet, ang lumalabas na trabaho mo ay mag-aaral.

Maganda sigurong trabaho ang pag-aaral kung binibigyan ka ng sweldo, hindi baon, ng gobyerno o pribadong paaralan. Isipin mo yun, P456 kada araw. Pero, yung tuition fee at other expenses mo ay tax o kung ano ang mas angkop na tawag.

Ngayon, Agosto at huling semestro ko sa UP, sobrang daming ko nang oras ginugugol sa pag-aaral. Review, advance reading o pagwawasto sa mga tala, masyado na ang panahon para sa mga ito. Totoo pa rin ang sinasabi ng nakararami na paghahanda ang pag-aaral: sa buhay labas-silid, sa karir na nais mo pasukan at bilang isang mabuting mamayanan. Ugali ang hindi nailalagay sa curriculum, nabanggit ito sa isang pelikula. Parang ganito: "Education without character development is useless". Bagay ka lang kapag wala kang alam, bagay na walang buhay at walang silbi. Wala kang magiging dulot sa sarili, kapwa o bansa, at kahit ang pagkuha mo sa lugar (occupy space), ay hindi tatangapin na silbi.

Totoo na hindi mo dapat sayangin ang edukasyon, na katumbas sa panahon ngayon ay pera, oras, tiyaga, atbp. Sa mga taong hindi nakapagtapos o hindi nakadanas ng kahit na anong pag-aaral sa paaralan, maaring magsimula sa bahay. Dito, marahil unang sisipa ang paghubog ng iyong ugali. Sapat na iyon upang lumundag o talunin ang mga harang sa iyong pagkalap ng kaalamang makakatawid sayo. 

Dati malugod kong tinatanggap ang mga panahong walang pasok dahil sa bagyo o bakasyon (holiday), pero sayang ang panahon. Maaring mas marami ka pang matutunan, o siguradong maaga ang summer-sembreak mo. Siguro nalampasan ko na ang kababawan na ito, na may higit pang layunin kesa magrelax-relax. 

Lahat ng tao ay binabayaran dahil sa pag-aaral mo. Iba-ibang anyo at iba't ibang tama, mula sa pamilya mo, sarili at sa taong 'di mo kilala na nakatambay sa dulo ng Pilipinas. Minsan ang sweldo mo o sukli ng iyong pagtrabaho ay sapat na ring pantawid sa kalooban mo dulot ng paghihirap at ginhawa.

Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko magbabad sa mga laro. Tulong. 

No comments:

Post a Comment