Tuesday, June 18, 2013

Saan ka talo?

Kanina lang sumakay ako ng bus pauwi. Pag dating pa lang sa isang babaan, napansin ko may dalawang babae, edad 40-50, na nakatayo na dahil sa hindi na sapat ang mga upuan. Sa totoo lang, naniniwala ako na sapat lang ang mga upuan, dahil hindi ako payag sa overloading. Ang pinoy, matigas ang ulo. Maraming pwedeng pag-usapan diyan, pero napaisip ako sa dalawang hindi makaupo.

Ang Lucky Seven Tours bus na ang biyahe ay mula Fairview hanggang Baclaran via EDSA.

Ito ang mga tumakbo sa isip ko.

1. Hindi ko iaalok ang aking upuan dahil:
a. Hassle, medyo malayo sila sa akin
b. Hindi ko naman dama na kailangan nilang umupo (pero siyempre inaasahan mo pag sumakay ka ng bus, ay makauupo ka)
c. Para masanay sila na 'di lagi ay may upuan na libre
d. Pampalakas ng katawan
e. May mas nakababata sa akin na andoon para mag-alok
f. May mas nakatatanda sa akin na andoon " "
g. Malapit lang naman ang bababaan ko
h. Mas nauna ako nagbayad
i. Kung ituring ng bawat tao na kapamilya ang bawat isa, madalas na pinapaupo o hinahayaan ng mga matatanda ang mga bata na umupo
j. Hindi naman ako nanliligaw o nagpapacute

2. Pauupuin ko sila dahil
a. Pakiramdam ko mas pagod sila
b. Matanda na at mahina na ang katawan nila
c. Baka hanggang dulo pa ang biyahe nila at di tiyak na may mauupuan sila
d. Ito ang inaasahan na gawin ng mga lalaki
e. ito ang inaasahan na gawin ng mga nakababata
f. Baka sumama tingin nila sa akin
g. Para may good karma
h. Baka abutan ako ng pera o fairy godmother ko pala
i. Para lumakas naman katawan ko
j. May mga nagiisip ng mga nilagay ko sa #1 na ayaw magpatalo

Sa totoo lang, medyo solid ang mga nailista ko sa #1.
Ano sa palagay niyo ang tama?
Paano kung dalawang lalaki? Isang bata't matanda, buntis at bakla, taong may bitbit na aso?
Saan ka lulugar?
Saan ako lumugar?

No comments:

Post a Comment