Unahin natin ang mas masaya
PE 2 LTD - Latin Ballroom Dance
Madami na rin akong nasabihan na nagustuhan ko ang PE na ito, sa simula at sa pagtatapos. Isang biyaya ng CRS ang pagbigay sa akin ng 2 PE sa huling sem ko. Nahirap ako isipin na matatapos ko, at masisiyahan. Ballroom dance? Na may kembot, o kung anu-anong mga kilos na hindi nababagay sa matigas na anyo ng aking katawan. Hindi madaliang masasalin ang pagiging likas sa mga palakasan sa pagsasayaw, may lamang pero hindi ito panigurado.
Nagtagumpay ako na masayaw na bigay-bigay ang Samba, Cha-cha-cha, Rumba, Jive at Pasa Doble. Jive yung pinakagusto ko, sakto ito pa yung sinaliksik ng grupo ko. Masaya rin sa pakiramdam na makausap at makihalubilo sa mga kapwa taga-UP, freshman o kagaya ko na senior at graduating. Madaming magaling, may kasing galing ko, at may mga natutulungan din naman ako kahit papaano.
Huwag matakot gumalaw, at maging masigla sa pagkilos. Mainam rin na ilabas ang malikhaing mga galaw na mula sa TV o gawa-gawa.
Photo courtesy of: Mr. L. Samonte & UP Dancesport Society |
PE 2 WR - Wrestling
Ibang klase! Sobrang natuwa ako kahit na payak at basic yung galaw na tinuro sa amin.
Uso dito ang magpakakumbaba. Hindi lahat ng magagaling sa una ay nagpapatuloy na nagwawagi sa huli. Masayang pagmasdan na gumagaling yung iba mong kamag-aral kasabay mo, at ito ang nagbibigay ng bawat anyo kada pagkikita.
Huwag ipilit kung ayaw! Kapag alam na yung the moves mo, siguradong may panabla yung kalaban mo, at kung hindi gumagana ang mga mahirap na teknik, bumalik ka sa basik. Pinakapaborito kong gawin ang Half-Nelson, at mas mahusay ako sa stand-up (kaysa sa ground games).
Hindi ito pro-wrestling. Hindi rin lagi nagwawagi ang malakas. Utak, diskarte, tamang kain at tulog at tiwala sa sarili ang kailangan para maka-pin ka!
My favorite professional wrestler, maybe next to the Rock or Stone Cold From http://www.wallpaperswala.com/rey-mysterio/ |
PI 100 - Rizal 100 +1
Buhay ng mga bayani at nagkukunwaring bayani. Sina Rizal, Bonifacio, yung iba pag Rizal, si Aguinaldo, Mabini, ang mga Amerikano at dakilang Espanyol. Mga nobela at tauhan, si Elias, Maria Clara, Kapitan Panchong, Bernardo Carpio, ang hindi mabilang na babae ni Rizal at si Rizal ulit.
Nagsimula ang asignatura sa mas malalim na talakayan sa kasaysayan, panahong midyibal na takipsilim hanggang sa Rebolusyon ng 1896. Umabot din naman nang bahagya sa pananakop ng mga Amerikano.
Nalungkot ako. Kung tutuusin naikahon ko ang mga Pilipino noong panahon na may mga mananakop. Mula illustrado, indio, Katipunero at ibang mga mamayanan, hindi ko akalain na magagaw ito ng mga kalahi o ninuno ko (anupaman ang matuklasang relasyon). Maraming mga taga-Caviteng nagpaikot-ikot sa masa, mga pinunong pinagkatiwalaan habang walang nagaganap na paglaya. Mga nangibang bansa, mga pinadala sa ibang bansa na walang ginawa maliban sa pagsusugal at pagiging dakilang kahihiyan --- tamad.
Mas namangha ako kina Rizal at Bonifacio. Astig. Gaano kadalas na may mabalitaan kang kasing husay nila? May dumating na bang katulad nila sa galing at ambag sa lipunan? Sigurado, hindi pa ako masasama sa hanay nila. Sobrang lakas ng hatak na mahalin ang bayan, sa anumang paraan na sa makabagong panahon ay siguradong lagpas sa pluma at bolo.
Nahirapan man ako sa mga pagsusulit, naging makabuluhan ang mga talakayan sa klase, at lalabas talaga ang utak ng taga-UP. Kritikal, may pananalig na batay sa katotohanan at kutob. Malakas ang dating. Biyaya na naging mag-aaral ako ng gurong iyon.
the women of Malolos. Rizal wrote a letter to them. It contained praises and a lot of guides and reminders. |
susunod o patuloy ay ang mga Bio subjects. pagod na ako at medyo mahaba na rin itong entry
No comments:
Post a Comment