Tuesday, October 29, 2013

Ang ID

Pwedeng identifier, identity document or identification card.

Simple lang ang gusto gawin, ipakilala ang taong nagmamay-ari nito, kadalasan yung taong humahawak. Ibinibigay ng mga institusyon para sa kanilang mga kasapi. Para sa mag-aaral, ito ang tiket mo para sa maginhawang buhay.

Nasanay na ako sa Ateneo na laging nakasuot ang ID nang maayos, yung nakikita, naka-laso, hindi natatakpan ng mga pin at sticker (na usong mga palamuti sa buong ID). Sa tuwing mahuli ka ng tauhan ng APSA, o kahit mga guro sa daan, tiyak poste ang aabutin mo. Hindi masaya ang tumayo sa harap ng APSA na kung saan dinadaan-daanan ka ng mga tao. Badtrip kapag natiyempuhan ka. Minsan nakahihiya, pero siguro kaya naman saluhin ng kahit na sinong Atenista ang parusa.

Kaya naging madali sa akin na dalhin at suotin ang ID ko pagdating ko sa UP. Hindi ganoon katindi ang patakaran at ang pagsasabatas ng "Wear Your ID". Bakit kaya? Dalawa ang naiisip ko, pinaiiral ng mga taga-UP ang kanilang "kalayaan" o tamad-combo-with-pasaway. Yun lang naman kasi. 

Kung tutuusin, hindi mahirap magsuot ng ID. Ito siguro ang mga ibang rason na pwede na tanggapin o may katwiran.
1. Wala.

Naiisip ko, kayang kaya ng taga-UP na itabi ang ID sa anumang bagay na lagi nyang dinadala sa UP. Underwear o cellphone.

Hindi bagay sa damit? Pangit sa pakiramdam? Namamaho yung strap o lanyard? Kasama sa buhay yan, at muli kayang gawan ng paraan. Hanapan mo ng katerno, pumili ka ng 100% cotton o yung yari sa plastic.

Naiinis ako sa mga taong hindi sumusuot ng ID lalo na't andaming nakapaskil na paalala. Ito ang sa AS, dalawang karatula sa isang pasukan.


 Maririnig mo pa yung mga reklamo ng mga estudyante habang kaharap yung guard. Ang bantay na sumusunod lang sa patakaran, pero hindi din pwede idahilan na hindi naman tinitignan ng mabuti ang ID. Minsan kahit anong ID idaan mo sa mata ng guard, o lusutan mo habang hindi nakatingin. Sapat bang tawaging mandaraya o kriminal ang hindi sumusunod sa napakasimpleng hiling. Maraming pwedeng pag-usapan tungkol sa patakaran na ito, at hindi ako dadako roon.


Ang huling laman ng ID ko. 2nd ID na sira, PNB Insurance,
2nd Sem AY1213 and 1st Sem AY1314 schedule.
Bahagi ang ID ng kasuotan ng isang estudyante, lalo na sa UP. Maari kang maging kampante na kapwa mag-aaral o mga tauhan ng pamantasan ang siyang kasama mo sa mga gusali.

Sa huling sem ko sa UP, may dahilan kung bakit hinding-hindi ko nalimutan ang ID ko.

No comments:

Post a Comment