Monday, October 7, 2013

[rePubliched] never let go of the radio

[ mula sa multiplx]
nakatutuwa.

Nung bata ako, naalala ko na madalas magpatugtog yung kasambahay namin ng mga Michael Learns to Rock na kanta. May cassette tape siya na lagi niyang pinapaandar habang naglalaba siya. Sa bahay naman ng lola ko, puro balita ang binubuga ng radyo dun. Hindi pa ako marunong maghanap ng radio station nun, kaya lagi ako nababagot sa mga tugtuging oldies

Bandang ikaanim na antas sa mababang paaralan, rinegaluhan ako ng radyo na may CD player. Simula ng araw ng yun, bawat gabi hindi ako makakatulog hanggat walang maririnig mula sa Campus Radio o sa mga awit tulad ng Officially Missing You or ng Southborder. 

Pagdating ko sa mataas na paaralan, hindi ko naiwasan na ipagpatuloy ang pagtangkilik sa radyo. Laganap na ng panahong iyon ang iPod, at bawat kamag-aral ko ay may nakasaksak sa kanilang mga bahaging-pandinig. Isa sa mga pinaka 'di ko makalilimutang mga panahon ay ang araw-araw na Kwatro Kantos sa Love Radio, na isponsor ng aking school bus driver. Hindi nagtatapos ang laban sa paulit-ulit ng kanta na makikinig sa Love Radio. Kasama ng pag-uwi ko sa bahay, ayan na naman ang LR. Matitiyempuhan mo talaga na bandang 4:20 pm, ipatutugtog ang kandang Bitiw ng Spongecola. Susunod ay Noypi ng Bamboo. Putangina lang nila Chris Tsuper, Papa Jack, Misi Hista (?), at Nicole Hyala, pero salamat sa pagbibigay kulay sa loob ng school bus. Idagdag na rin ang kantang Saging Lang Ang May Puso at Gikumot-kumot. Grabe.

Sa bahay naman, Mellow 94.7 ang laging nakaayos sa radyo. Ikinalungkot ko na pinalitan ang Campus Radio 97.1 ng walang kwentang Baranggay LS. Pucha. The Top 20 @ 12! Habang nakikinig sa Chris and Chloe Music Factory, nanalo ako ng Premiere Tickets sa palabas na The Kingdom, starring Jamie Foxx \m/ , pero dahil may pasok ako at malayo ang Makati, sinabi ko na ibigay nalang sa iba. Gusto ko rin sumali sa bahagi ng palabas nila na Desert Island Disc, pero wala naman ako maisip na 5 kanta na babagay sa playlist ko habang ako'y nawawala sa isang isla.

Isang umaga, sa bagong school bus (parehong driver), napakinggan ko ang sikat na DJ Mo Twister sa Magic 89.9. Tawang-tawa ako kung paano mag-usap ang tatlo sa radyo. Dito ko rin napansin na yung Mo Twister na madalas nakapapanayam ng mga tao sa Startalk at ang DJ ay iisa lang.

Kapag umaga, 89.9, tuwing gabi Mellow naman. Isang gabi na nabagot ako sa C&C, lumipat ako sa 89.9, and lo and behold! Boys Night Out! Sobrang sulit ang mga gabing umuuwi ako galing Ateneo at UP dahil sa kanila. Yeahhhhhhmen! 

Magic 89.9 Today's Best Music, indeed.

Dinala ko lagi ang radyo ko. Maaring nasa anyong silepono or simpleng radyo lang na nakatambay bilang misplaced article sa Barracks. Kapag bibigyan ako ng bagong CP, unang tanong: May radyo ba?

Sa mga station na di ko pa nababangit kasama sa mga napakinggan ko ay
- 89.1 Wave - Para sa mga chill lang na kanta
- 98.7         -  Para sa mga tugtuging 'Classical'
- 96.3 WROCK at 97.9 HomeRadio - Para sa mga panahon na gusto ko maiba ang marinig
- 105.7 - Para sa mga awiting may genre na Jazz
- 101.1, 101.9, 102.7 - Para sa aking alala habang bata pa ako


 Kahit ano pang 'tuning' ang gawin sa buhay ko, hindi mawawala sa puso ko ang radyo. Sa bawat pag-usbong ng teknolihiya, hindi madaling ma-eject ang pirasong nagbibigay aliw sa akin.



That's it, we're done, we hope you had some fun. Join us next time on, the Campus Radio... flyer

- Campus Radio 97.1 WLS FM

No comments:

Post a Comment