Wednesday, July 3, 2013

One minus one

Nakatatawa na mautak ang mga Pilipino. Simple lang.


Hinahanapan nila ng katumbas ang masama, o di kaya'y nagpapalusot para mapanindigan nila ang kanilang mga ginagawa.

Ang mga halimbawa:

Pagdating sa pagkain may mga naisip ako na ilan. Magpapakalasing nang sobra-sobra sa isang gabi dahil hindi uminom sa buong buwan. Ito pa! Kunwari healthy living. Isasabay ang gulay sa paboritong crispy pata, sisig at inihaw na laman-loob.

Ibibida na maraming masmalala sa kanya: isang taong naninigarilyo ng kalahating kaha, ay magsasabing ligtas. Hindi raw namatay sa lung cancer yung tatay o higit pa sa isang kaha ang sinusunog ng kapatid niya.

Maaring magdulot ng mahabang usapan. Ang traffic lights ay hindi na dapat sinusunod kapag madaling araw o tiyak na walang sasakyan. Maliban kung may manganganak o ginagago ka ng operator o makina, sige lang at huwag mo na hintayin mag-iba ang kulay ng ilaw na ito. Isabay mo na rito ang paggamit ng tawiran.

Sa pagsusulat nitong tala, bigla kong napansin na iba na pala ang sinusulat ko, at hindi na pumasok sa konseptong nais kong ilathala. Evolution in writing!


No comments:

Post a Comment