Friday, July 12, 2013

down dim sum lane

Siomai and i share some stories together.


Way back when I was still in grade 3, I remembered having Chowking beef siomai for lunch at school. At least 8 pieces, and sometimes it's from Hen Lin. It seemed to be the best baon, even for my classmates who often I trade food with or those who just stick their hands and grab some dim sum. Sobrang paborito ko pa nun yung lasa kapag sinawsaw mo sa toyomansi o di kaya'y yung makakain mo ng hiwalay yung piraso ng hipon sa loob. Nung nagsimula na ako humingi ng pera para bumili nalang sa canteen/caf, hindi na ako napapabaon ng pagkain nun.


Minsan kapag late na ako umuuwi nung grade 6 at naglalakad papuntang bahay, napapansin-pansin ko yung naglalako ng pagkain sa tabi ng tindero ng bopis. Madalas na sinisilip ko kung ano yung benta kasi walang plaka yung kart niya. Siomai din pala, pero hindi yung tulad sa Luk Yuen na buong buo o sigurado ang hugis. Balot siya sa pangkaraniwang molo wrapper na may isang kutsaritang laman. Ang sawsawan nito ay mas matatawag na sauce ito kumpara sa soy sauce dip. Ang unang sauce na nilalagay ay matamis at sinusundan ng malabnaw na toyomansi. Dalawang piso kada isang piraso. Masarap na rin kahit hindi ko alam kung ano ang nilalaman ng laman.

Siomai din ang aking panghapunan matapos ang late night Tae Kwon Do trainings ko na natatapos ng 9PM tuwing huwebes. Madalas kami ng aking ina ang huling kumakain sa Hen Lin na tapat lang ng subdivision namin.

Sa highschool, nakatikim ako ng dalawang masasarap na siomai. Una, ang galing sa Shanghai Siomai. Makikita (hindi ko alam kung hanggang ngayon) sa may gusali ng Yellow Cab sa Katip. Sharksfin at siomai ang tinda nila at sobrang sulit ng Php 25 mo. Astig din kasi yung chili nila na medyo matapang para sa akin, pero kutob ko sakto lang yung anghang para sa iba. Mapapabili ka din ng gulaman nila. Minsan ding naubos ang pera ko dito dahil talo sa DoTA o nanlilibre lang ako. Natuwa ako na may branch sa may Delta, at minsan ko itong dinarayo matapos ang aking takbo. 

Sumunod ang siomai na tinitinda malapit sa lugar namin. Ito yung isa sa pinakamaliit at manipis na siomai na nakita ko. Tatlo at umabot din sa limang piso kada piraso ang siomai na halos magaan ang lasa kapag nagiisa, pero matapos mo lagyan ng toyomansi, biglang lalabas yung lasa nito. Sa panahon na sawa na ako sa lutong bahay, nagpapabili ako nito at inuulam na laging nakauubos ako ng hindi kukulang sa 3 tasa ng kanin.

Iba pang mga natatanging siomai.

1. SSG Siomai - Isang grocery store sa lugar namin. 20 pesos yung isang siomai nila na pagkalaki-laki. All meat at nakakabusog ang isang piraso nito.

2. Arki Siomai - dahil sa natatanging surprise pugo! Sakto lang ang experience na ito.

3. Siomai House, Master Siomai, atbp. - Ang naglipanang mga tindahan ng siomai. Nagsawa din ako dito, pero astig yung ginawa ng Master Siomai na nagdagdag ng Japanese Siomai (covered with nori at may maliit na crabstick) at sharksfin siomai.
Japanese Siomai

4. Paotsin - at ang iba pang mga dim sum nila na masarap sabayan ng hainanese rice at buko juice. Maganda ring matikman ang fried siomai

5. Dimsum N' Dumplings - dahil may eat-all sila sa siomai Php150, pero di ko ito naabutan

6. Iskomai - kasi pinilit nila yung pangalan


No comments:

Post a Comment