Tuesday, July 30, 2013

Kasi hindi talaga pwede ang "pwede na yan"

May pakiramdam na 'di kanais-nais. Alam mong nakinig ka, nagtala ng kung anu-ano, naintindihan ang sinasabi ng guro at nanghiram ka pa ng libro sa silid-aklatan.

Pagdating ng marka ng mahabang pagsusulit, saktong pasado ka lang.

Sa panahon na nag-aaral ka at mga minuto bago lang ibigay ang mga tanong, nakatatak sayo na handa ka at mauuno mo ito. Makalipas ang isa't kalahating oras, aatras ka ng kaunti at sasabihin mo: "Ah, siguro sampu lang mali ko".

Pagdating ng papel mo, nagulat ka na doon ka pa nagkamali sa bahagi na noong sinasagutan mo ay petiks lang.

At nagbabakasakali ka na may mali lang ang iyong guro, at huhugot ka ng pag-asa dahil mas mataas ka sa iba mong kamag-aral.

Pagdating ng isa pang pagsusulit sa ibang asignatura, naramdaman mo ulit ang lakas ng loob at kaliwanagan na nagawa mo ang lahat sa pag-aaral at pagsasagot.

Mangyari man ang lahat ng iyon, ito ang pinakamaasahang sagot:


No comments:

Post a Comment