Saturday, June 22, 2013

The baket list

Ililista ko ang mga kapuna-puna na bagay sa UP, marami dito hindi maganda.

ANG BAKET LIST
- png. isang bagay na naglalaman ng iba't ibang tala
TANDAAN: Hindi nito nilalarawan ang bawat isang taga-UP. Hindi nito nilalarawan ng buo ang paaralan, ang mga estudyante, mga opisyal, mga guro, mga staff at iba pang mga naka-ugnay sa UP.

1. Hindi marunong sumunod sa panuto ang taga-UP. (dudugtungin ng "ang taga-UP" ang mga bilang na susunod)
2. Hindi tumatawid sa pedestrian lane kapag madaming sasakyan na dumadaan
3. Nangongopya
4. Maingay sa harap ng guro
5. Hindi marunong pumila sa sakayan ng jeep

6. Hindi marunong mag-abot ng bayad at magpara ng jeep
7. Hindi marunong umupo at hawakan ang gamit ng maayos sa jeep
8. Maarte at malakas magdahilan
9. Tamad
10. Hindi marunong magtapon ng basura

11. Hindi marunong magsuot ng pantalon o belt ng maayos
12. Hindi marunong tumabi sa daan kung mabagal maglakad habang may mga nagmamadali sa likod
13. Hindi nakukuntento
14. Malakas magreklamo dahil sa pamamaraan ng guro, o admin
15. Hindi sinusuot ang ID kahit na may memo, guard, at karatula na nakapaskil

(maaring walang kasunod na "ang taga-UP". gets mo na sinu-sino ang mga tinutukoy ko

16. Hindi dama ng madaldal, know-it-all, tanga ang sakit sa ulo na dinudulot nila sa klase
17. Gawa nang gawa ng daan, kahit na may nakasemento na daanan.
18. Usosero, tsismoso(a), no-honor
19. Hindi madiskarte
20. Masyado mataas ang tingin sa sarili, at gusto lagi nasusunod

21. Singit sa pila
22. Nang-aaway ng studyante, guard, tindero, tsuper
23. Hindi marunong magbantay ng gamit nila
24. Hind tinatangkilik o sinusuportahan ang mga dapat
25. Mahilig magparesched ng exam sa mas malayong panahon

26. Tumatambay sa kainan kahit business nila ay hindi kumain
27. Hindi marunong magflush
28. Hindi marunong pumili ng isang mauupuan na gagamitin sa buong sem
29. Hindi sineseryoso ang mga proper handling of equipment or resources
30. Hindi alam ang Pambansang Awit at UP Naming Mahal

31. Mas pinahahalgahan ang numero sa marka kaysa sa matututunan
32. Pabaya, sinasayang ang slot na pwede sana sa iba
33. Mayabang na wala sa lugar
34. Harang sa daanan
35. Hindi marunong maghintay, alyas atat

36. Nagwwalk out para sa rally habang may klase
37. Nandadamay pa ng ibang tao sa walk-out
38. Umeepal sa commencement exercise
39. Hindi marunong mag-sorry
40. Hindi marunong magsauli ng gamit

41. Hindi kilala ang mga guro, opisyal ng unibersidad
42. Hindi alam gagawin kung may problema
43. Hindi alam na may ganito pala sa UP
44. Hindi binabalik ang mga overdue books na sobraaang tagal
45. Malakas magkalat ng dumi


* Karamihan din sa mga ito na ginagamit ng taga-UP ang kanyang self-proclaimed infalliable thinking para lumusot

46. Hindi marunong magsara ng pinto
47. Sinisira ang school property
48. Nagtetext habang klase kahit na nagsabi yung prof na bawal
49. Hindi nakapatay o nakasilent, lalo na pag may exam
50. Nandaraya

51. Gumagawa ng sariling data
52. Hindi sumusunod sa panuto para kumuha ng mga kemikal
53. Hindi binabalik ang mga gamit na hiniram
54. Hindi binabalik ng maayos din
55. Hindi alam ang gagawin kapag may pangyayari sa lab (natapon, nabasag)

56. Kapag may insidente, mali pa ang gagawin at ibibida na tama
57. Hindi marunong maghiwalay ng basura
58. Kumakain sa lab sa maling panahon
59. Naglalaro sa klase
60. Hindi nakikinig sa mga nag-uulat, liban pa dito sa guro

61. Hindi na nga nakikinig, may ginagawa pang iba
62. Nagsusulat sa upuan, pader ng silid at palikuran
63. Hindi nagbubuhos/nagfflush
64. Iniiwan ang gamit kung saan saan na walang bantay, inaasa sa guard na mababantayan lahat
65. Pumapasok sa silid kahit andun pa yung prof ng nakalipas na klase ( protocol para sa akin)

66. Inaasahan na memorize yung cheer, pero may kodigo
67. Hindi marunong iilag yung bag o payong
68. Naghihintay ng signal, catalyst o udyok para kumilos, walang initiative
69. Ginagalaw ang orasan, o nagbibigay ng maling oras sa prof
70. Sinusulatan ang mga libro ng paaralan

71. Maingay sa silid-aklatan
72. Hindi tinatapat ang ID sa scanner
73. Hindi marunong makiramdam kung sino ang nauna sa pila
74. Alam na ngang nahuli sa pila, kikilos na parang siya yung nauna
75. Nahihiyang magtanong, minsan aabot sa paggawa ng mali

76. Natutulog sa klase
77. Natutulog sa bahay habang may klase
78. Hindi na pumapasok kasi late na
79. Ginagaya ang pirma ng magulang para sa mahahalagang papel
80. Pinipirmahan ang taong wala sa klase para sa attendance

81. Mahilig magPDA sa maling lugar at panahon
82. Maingay sa lobby habang may mga nag-aaral, hindi matularan na ingay
83. Palakasan ng ingay sa mga grupo kasi hindi magkaintindihan
84. Sinisira ang kagamitan ng mga kainan
85. Nag-aabang ng jeep sa maling pwesto, bumababa sa maling lugar

86. Pinapakitang namimili ng magandang handout, lab manual, kagamitan
87. Nangunguha ng payong at hindi na binabalik
88. Nangunguha ng payong at makikita nalang na nasa kabilang building
89. Nang-aagaw ng glassware
90. Hindi ginagalang ang pagkanta ng Pambansang Awit at UP Naming Mahal

91. Hindi hinuhugasan ng tama ang mga kagamitan
92. Mahilig sa shortcut
93. Hindi sineseryoso ang SET
94. Nangingielam ng cellphone o ng facebook
95. Hindi alam ang keep right rule

96. Nagccut ng klase, para sa ibang bagay o asignatura
97. Hindi marunong magparada ng kotse
98. Pinagmamalaki na napagdaanan ang mga bagay kasi hindi na freshie
99. Pakipot, ayaw daw manuod ng Oblation run
100. Ginagamit ang bagong pahayagan para sa lab

101. Hindi binibigyan halaga ang mga parangal
102. Hindi nakikinig sa mensahe ng isang guest speaker
103. Minamaliit ang kurso o trabaho ng nakakasalamuha
104. Stereotyping
105. Marami pang iba

Ito ang mga bagay na di ko nagustuhan sa naranasan ko sa UP. Bawat isang bilang may tao o grupo akong naiisip. Pwedeng ako, at pwede rin naman ang iba.

MALIGAYANG ika-105 na taon UP!

No comments:

Post a Comment