Thursday, June 27, 2013

Kapag ina'ntok ka talaga

Third Year High School. After Sports Fest or AMAKANA.

Ano magagawa mo kung sadyang antukin ka talaga?

Ito ang isa sa mga madalas kong kinukwento sa mga taong nagtatanong o nagsasabing magpatigin daw ako sa doktor.


Ang aking kwento.
Chem 31 Lecture Classes. With MM, Baschia, Jill.

Bata pa ako, mga edad walo (na sa tingin ko ay nagiisip na ako nun), hindi ko hilig ang matulog ng maaga o sa tanghali. Kapag nasa bahay ako ng lola ko, madalas kami pinapatulog tuwing siesta, pero lagi akong naglalaro o nanonood ng tv.

Tumungtong na ako sa mataas na paaralan. Ikalawang taon, sa asignatura na Math, nagsimula ako matulog-tulog sa klase, at sa pagkakatanda ko, hindi ito sadya. Paborito ko ang math, at sa katunayan mataas ang marka na nakukuha ko sa eksam at sa mga final grade. Natutulog lang talaga ako. Dulot lang siguro ito ng pagod bilang estudyante. Nahiya lang ako sa guro ko na siya ring moderator ko noong taong iyon.

Ang sumunod naman na pangyayari ay naganap noon sumunod na taon sa klaseng Religion/CLE. Dito, hindi lang yung asignatura yung gusto ko, padin ang pagtuturo ng aming guro. Konti lang ang naalala kong panahon na nakatulog ako ng tuluyan sa klase, mga tatlo siguro. Isa doon, sinita ako. Ay! Natulog din ako sa klase ni Ginoong Ryan Villena. Kinalabog niya ang katabing desk para magulat at magising ako.

Ika-apat na taon relax lang.

Bumalik ito sa summer ng unang taon ko sa UP. Math 54 ko noon at lagi akong nakadapa pag binibigay na ni Ma'am ang formula at gumuguhit na siya sa pisara. Sumasayaw talaga ang mga guhit ko sa aking kuwaderno. Hindi ko alam kung integral ba, tandang pananong o ang numerong 7.Sa panahong ito nakilala ko si kape na galing Math Canteen. Kapag break ng 54, derecho sa baba sabay bili.  Brewed coffee, isang sachet ng asukal at creamer. Naka 2.25 pa ako nun.

Tuloy-tuloy na ang ganitong sitwasyon at pangyayari. Buong panahon ko sa unibersidad: GE, Major, ROTC o Lab, laging nakapikit ang aking mga mata.

RAATI 2012. Going to Fort Bonifacio.
Minsan sa aking Anthro 10 ako'y nagigising sa buong klase. Sa 15 siguro na pasok namin, hindi kukulang sa sampu ang tulog ako ng mga isang oras.

Nakilala ko din sina Early Bed Time, Iwas Pagod, Cobra, Sting at Extra Joss. Nakasalamuha ko din si Double Mint, Manggang Hilaw na may asin-sili at mga kamag-anak nila na sinusubukan magpagising sa akin. Bigo ang karamihan.

New Year's Day!
Sa aking pilit sa paghanap ng dahilan at lunas, ako'y nagsumikap na hindi gawin halata o hindi nakaaabala sa guro at mga kapwa kamag-aral. Bihira akong nakadapa sa arm rest o tablet ko kapag inaantok ako. Laging properly seated, pero pikit-mata naman. Nagigising lang ako kapag nagdi-dive ang ulo ko patalikod o nagb-bow ng biglaan paharap.

Bilin ko lagi sa katabi ko dati: "pagising kapag inantok ako"
Sumunod: "pagising kapag tulog ako"
Eto pa: "pagising pag tumingin yung prof o pag pinansin ako"
Active: "pitikin mo ako kapag nakatulog ako"
Huli na siguro: "kahit ano gawin mo, basta gisingin mo ako"

Kahit rin sa kalsada, habang nakasakay sa pampublikong sasakyan, nakakatulog ako. Mga dalawang beses lang naman ako nakalampas sa aking dapat babaan, pero di ko talaga trip mamasahe kapag nararamdaman ko ang antok.

Bio 118 Field Trip @ Makiling. With Kuya Jay.

Ang tanging kinatatakutan ko ay kapag madala ko to sa med school o graduate school. Paano na kaya ako dun? Hmm, itutulog ko na muna yan!


P.S. Magpapatingin ako sa doktor kapag inantok na ako.

2 comments:

  1. sir nakatulog ka nga noon habang nagbibigay ng exam sa amin sa cocc sir. haha sir naextend tuloy ang time sir :)

    ReplyDelete