Thursday, June 13, 2013

Medyo umulan kasi


Balik jeep ulit ako kanina dahil sa punong mga dyip sa UP. Muling nilakad ko hanggang sa sakayan sa labas ng campus. Binalikan ko ang mga panahon na freshie pa ako sa Diliman, at sa ngayon ako'y nagbabalik freshie sa Diliman. Ang hindi lang naiba ang mga ibang kamag-aral, mga guro, mga kasama sa buhay taga-UP at mga gusali na kumupkop sa akin habang umuulan. Sinisipag ko bawat lakad at bawat biyahe, subalit naging puro biyahe nalang pagdating ng ikaapat na taon ko. Nagwagi rin ang aking katamaran at kawalan ng ganang maglakbay.

Parang pag-akyat lang ng bundok ang aking ginawa sa paaralang ito, kagaya ng ginawa ko sa Ateneo. Mahirap ang unang mga hakbang para makarating sa tuktok at madama ang mga ginhawa at sarap sa buhay, pero hindi ako tumuloy-tuloy sa isang bangin. Bundok nga eh! Kinailangan ko bumaba o dumaan sa bahaging hindi matarik. Dahan-dahan at tila mas alam ko na ang ginagawa ko. Alam ko na ang padating - isang panibagong bundok na akin tatahakin.

'Yun lang ang aking mga alaala, marami pang darating. Ito'y akin magpakailanman, ang aking karanasan sa Unibersidad ng Pilipinas.

(Ano kinalaman ng kanta? Tumogtog lang bigla at naramdaman ko pwede nang opening act ng blog na ito)


Siyempre yun yung closing act.

No comments:

Post a Comment