Friday, June 21, 2013

I won't share this - haha

Taglish mode.

I never was fond of the demonym of students of the University of the Philippines - Maroons and Iskolar/Isko. Tinanggap ko yung maroons, pero yung isko, hinding-hindi. 

Una, ang hirap makisabay ng salitang Maroons sa Lasallian, Thomasian, Atenean, Bulldog, Falcon o sa tamaraw. Hindi ko pa hinahanap ang pinagmulan ng bansag na "Fighting Maroons", pero sa unang dinig ko pa lang wirdo na. Bagaman natatangi ang mga tao, at iba ang tingin ng mga tao sa UP sa sarili nila, hindi pa rin kumakapit sa akin ang tatak Maroons. Ang lungkot naman kasi kung mga taga-UP lang ang nakapagbibigay halaga sa katawagang ito.

Tapos sa Tagalog naman, si Iskolar/Isko/Iska ng Bayan. Unang dapo pa lang nito sa aking pandinig, nandire kaagad ako. Walang talab kasi ang katawagan na ito. Parang isda ng bayan kung pakikingan mo mabuti. Sa totoo lang, hindi lang naman kasi mga taga-UP ang mga iskolar ng bayan. Idagdag mo na rin ang lagay ng pagiging iskolar sa panahon ngayon. Tunay nga ba na bayan ang nagpapaaral sa mga ito?

Idagdag pa rito ang bagong ngalan - STATE U. Sobrang sagwa pakinggan, lalo na kung makikita mo sa shirt o jersey ng mga tao. Nawala yung tanyag na pares, UP. Hindi ko alam kasi kung may malas ang "UP" sa athletics, kaya pinalitan nila sa STATE U. Maaring gusto ng mga nag-isip nito na angkinin ng Unibersidad ng Pilipinas ang mga titolong ito, Iskolar ng Bayan at State University. Proud ba talaga ang mga nagbabandera ng STATE U na ang kanilang paaralan ay pinapatakbo ng bayan? Tinatanggap ba nila na yun ang tunay na lagay ng paaralan o ito ay ang kanilang ninanais?

Ano ba talaga ang UP?
Basta, taga-UP ako.


No comments:

Post a Comment