Wednesday, July 10, 2013

Straight 4WD

This deserves a post.

CS Library
Maingay sa Cubicle-type reading room, feel ko sophomore na bio.
Maingay sa Reserve section na declared RED ZONE ( Silence must be observed ). Freshies, Math 17.
May 2nd floor para sa madaldal.
Pasalamat sila passive person ako. Di ko kasi naramdaman na may naingayan, kaya ayoko manaway ng mga kamag-aral ko. Hindi din naman s

ila sinita ng Library Staff. Bakit kaya?

Ikot Jeep
Matandang sumasakay, sumabit yung payong. Nasa likod ako. Sabi ng nagmamaneho, "Bilis-bilisan naman". Walang kotse sa likod at maayos naman ang lugar na sinakyan namin.
Di ko alam problema mo manong, pero bakit ang bagal mo magpaandar ng jeep at magsukli?

Waiting Area for Toki sa AS
Hindi marunong pumila kaya naguunahan. Hindi marunong makiramdam kung sino ang nauna sa lugar, kaya basta nalang ang agawan.

These deserve a post pala, andami kong naalala eh.

Medyo natuwa ako

CHK Canteen
Student: Kuya, may kanin kayo?
Vendor: Meron po
S: Ah ok. May ulam kayo?
V: Ano po?
S: May ulam kayo? (sumisilip-silip)
(Vendor seems puzzled)
Me: May ulam ba kayo?
V: Wala po

Nagpancit nalang si kuya student.

No comments:

Post a Comment