Nais ko sanang malaman ang mali sa katotohananBATANG-BATA
Sariling pagraranas ang aking pamamagitan
Imulat ang isipan sa mga kulay ng buhay
Maging tunay na malaya sa katangi-tanging bata
By: Apo Hiking Society
Sa pagkahaba-haba ng tinakbo, nararapat din na mahaba ang kwento. Himayin ko para hindi tayo mabaliw matapos basahin ito.
PAMPAGANA (Mga pamagat na hango sa isa sa pinakapaboritong kong libro, "Ikaw at ang Kawili-wiling Wika" ni Mr. Capinding)
Lahat ng kabaliwan, may sinumulang pag-iisip na tuwid. Maaring pinili o napilit ang utak na tumawid sa dako ng 'di pangkaraniwan. Maituturing na ganito ang nangyari sa katatapos na takbo ko, ang 8th Bataan Death March 102 KM (BDM) Ultramarathon.
Maaring nabanggit ko na ang kasaysayan ko sa pagtatakbo ("kasalanan" ng tatay ko). Kaya, lumaktaw tayo sa araw na nakilala ko ang Race Director na si Ret MGen Jovenal Narcise, na mas kilala sa tawag na Baldrunner o BR. Isa sa mga unang araw ng ROTC training na kung saan pinakilala ng aming komandante (na mahilig din sa takbo, runner) si BR at ang mga kasama nyang mga ultra runners. Sa araw din na iyon, natutunan ko ang mas akmang porma at galaw ng katawan sa pagtakbo. Kay BR ko rin nakuha ang link ng dailymile, na marahil ay umay na umay na kayo sa araw-araw na pagpapaskil ko. Hehe.
Dito nabuo ang pangarap. Tandaan, pangarap pa lamang ito at hindi kahibangan.
Ito ang dalawang pangarap ko nung nagsimula ako tumakbo. Nauna kong nakamit ang pagtapos ng unang Full Marathon (42Km) sa 2010 Quezon City International Marathon (QCIM). Binaybay ko ang Commonwealth Ave hanggang La Mesa, at pabalik.
Ang pinakamatindi ay ang BDM. Katatapos lang ng aking ama na takbuhin ang 2nd BDM noong Marso 2010. Kaya't doon pa lang, ang itsura ng aking ama pag-uwi, tumaas ang tingin ko sa ultramarathon, higit sa lahat ang BDM.
Hindi lahat napipili o natatangap na lumahok sa BDM. Ang runner ay dapat malusog, nakapagtapos ng isang Full at may edad na hindi baba sa 18. Sakto ang lahat, pasok ako sa batayan kung tutuusin. Agad-agad nagpadala ng email kay BR. Matapos ang ilang linggo, ako'y tinanggap na sumali sa 2011 BDM. Akalain mo yun, maaring isa sa pinakabatang runner na makadaranas at makadaan sa rutang tinahak ng kapwa kong mga Pilipino sa panahon ng digma. Kinalat ko ang balitang ito, at nagsimulang mangalap ng kaalaman para paghandaan ito. Sinimulan ko ang pageensayo para sa QCIM at ang susunod na BDM.
...subalit hindi natuloy ang balak. Inaalala ko talaga sa ngayon kung bakit hindi, pero ang lumulutang lang ay hindi ako nakabayad ng registration fee. Muli akong nagpadala ng pagnanais(?) na lumahok sa 2012. Natanggap, pero hindi ulit ito natuloy.
No comments:
Post a Comment