ay isang mumunting paraiso lamang.
PAG-AALAY
Para sa lahat ng mga naging bahagi ng buhay ko!
Mahirap sabihin na "I dedicate this run to this person or that". Masaya lang ako na naging bahagi ang bawat isang tao sa aking takbo. Malay ba natin na iba ang takbo ng buhay ko kung hindi ko nakilala si ganito, o hindi kami nagkausap ni ganiyan.
Isa pa, ibinigay ko ang sarili ko para sa sarili ko.
Dumako naman tayo sa dahilan. Bakit ko tinakbo ang Bataan Death March?
Tadtarin ko nalang para madaling daanan.
- Para patunayan na kaya ko tumakbo ng malayo, higit na malayo sa karaniwan
- Para makamit ang matagal nang pangarap
- Para malaman kung gaano kahirap ang mahirap na lakbay ng mga sundalo noon
- Para maglakbay
- Para mas makilala ko ang aking sarili, sa panahon ng kaginhawaan, at panahon ng kahirapan, kagipitan at kasawian. Para makilala ko ang sarili ko matapos ang lahat
- Para ibukas ang pinto sa higit na malayong takbo
- Para mapansin mo ako... Oppps, time out.
Pag-usapan natin yung isa:
Napakatatag ng mga sundalo na lumakbay, sa ilalim ng patalim at tulak ng bala. Pumapatak sa isip ko ang kapatagan, mga hanay ng naghihingalo at nananalig. Sa tabi ay kalaban, at sa kabila ay ang papuslit-puslit na tulong ng kapwa. Sa itaas ay pinto ng langit na maharot sa tag-init. Ang daang tinahak ko ay matindi, sa lagay ko na tinutulungan na at may lakas pa. Puro paakyat, at hindi maganda ang daan. Bilib ako sa lahat, lalo na sa mga nabuhay.
Ito ang pahina na nagbigay ng pahapyaw sa kasaysayan ng Bataan Death March at ng takbong BDM. http://baldrunner.com/2010/10/11/bdm-102-lecture-1-history-honesty/
Ito ang pahina na nagbigay ng pahapyaw sa kasaysayan ng Bataan Death March at ng takbong BDM. http://baldrunner.com/2010/10/11/bdm-102-lecture-1-history-honesty/
No comments:
Post a Comment