Wednesday, September 4, 2013

Silhouettes

Nasabi ko na ba na miss kita?
Ako lang (ako lang ata) ang nakauunawa sa mga sinusulat ko,
ako lang ang natutuwa at nasisiyahan sa mga munting kaisipang naisasabuhay ng mga salita.

Wala na akong ibang magagawa, at mas mabuti na wala akong gawin.

Gusto ko hanapin ang ligaya sa katimugan,
mabuhay ng malaya sa hilaga.
Gumawa ng sariling kapalaran sa kanluran,
at umulit-ulit sa may silangan.


No comments:

Post a Comment