Wednesday, April 16, 2014

Simula, simula ng buhay ko sa UP

Taglish ON

Bata pa ako, madalas kami dumalaw ng pamilya ko sa UP. Bata pa ako, at hindi ko pa alam kung ano yung UP. Lagi ko lang naalala yung brick red bricks na lagi naming nadadaanan, at alam ko na yun ang likod ng Univ. Theater. Malapit kasi sa Dept. of Military Science and Tactics yung gusali. Siguro hindi ko rin naisip na parehong taga-UP ang aking mga magulang. Walang kamalay-malay akong umiikot sa DMST complex, kalaro ang mga anak ng kabarkada ng aking mga magulang. 

Kailan lang ako namulat sa katotohan, sa isang simpleng katotohan na may paaralan na kung tawagin ay UP, University of the Philippines. 

Noong bata pa ako, ang alam ko lang ng pwede ko pasukan sa kolehiyo ay Olivarez, Lyceum, Mapua, San Beda, Philippine Normal, at DLSU. Nakilala ko nalang ang Ateneo noong kumuha ako ng pagsusulit para makapasok sa mataas na paaralan.

Matapos lumipat sa QC, unting-unti ko na rin napansin ang pagiging malapit ng UP sa akin. Madalas ko daanan ang CP Garcia Ave, tanaw lagi ang isang gusali bago mapadpad sa Katipunan. Math Building. Natuto ako maglakbay mag-isa matapos ang isang taon sa AHS. May ginawa ako sa paaralan bandang summer at siyempre kailangan ko umuwi. Dinaanan at dadaanan ko ang UP.

Hinangad ko makapasok sa Ateneo, sunod ang UP sa kolehiyo. May nadama akong kilig at tuwa habang pinipirmahan ang UPCAT forms ko. Akala ko may mga makakasama ako kapag pumasa ako sa UP. Panalangin ko na makakasama ko mga kaklase ko, pilit na isinasantabi ang katotohanan na mahirap pumasok sa UP. Sinikapan kong laging nakikinig sa review classes ko, at muling isinantabi ang mababang marka ko sa mock UPCAT. Bagsak ata. 

Sa SOLAIR ako nagexam. Todo research kung saan, at paano makapupunta. Isa pang gusaling pumatak, NCPAG. Katabi ng SOLAIR ang NCPAG. 

Hindi ko matandaan ang mga naramdaman ko noon. Alam ko nahirapan ako matulog sa Biyernes o Sabado.
Maaga akong nagising, baon ang aking mga lapis, bote ng tubig at isang pack ng Oreo. Muntik na ako maging late, nakataxi na ako nun at mabagal ang usad ng trapiko. Nilakad ko mula checkpoint papuntang exam site. Basta ang alam ko, natiis kong hindi magbanyo pero di ko natapos yung (English) isang bahagi.

Nababagabag ako na hindi ko matandaan kailan ako nagUPCAT o kailan ko nalaman ang resulta. Ang mahalaga, pumasa ako ng UPCAT at sa Diliman. DPWS nga lang...

itutuloy.

No comments:

Post a Comment